Ito ay matapos na mag-post ng larawan ng kaniyang COC ang anak nito na si Sara Duterte kung saan nakasaad na tatakbo itong Mayor sa Davao City.
Si Sara mismo ang nag-post ng kaniyang COC sa kaniyang instagram account.
Nilagyan pa ni Sara ng caption ang larawan na sinabi nitong hinihintay niya ang desisyon ng kaniyang ama.
Nagbanta din si Sara sa mga pinoy na kung hindi iluluklok na presidente ang ama niya ay malalagot sa kaniya ang sambayanan.
“Digong, gahulat ko sa imuha (Digong, naghihintay ako sa iyo). To all my fellow Filipinos, you will make him President, otherwise lagot kayong lahat sa akin. Tandaan niyo ang araw na ito. Wala kami pera, wala kami makinarya,” nakasaad sa IG post ni Sara Duterte.
Kahapon ay naghain ng COC sa pagka-Mayor si Rodrigo Duterte at muling iginiit na hindi siya tatakbong Pangulo ng bansa.