Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan

Patay ang isang lalaki sa Caloocan City makaraang tambangan ng riding in tandem.

Naka-istambay lang ang biktima sa harap ng kaniyang bahay sa Bagong Silang kasama ang kanyang bayaw nang biglang dumating ang dalawang suspek at sakay pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril ang biktima na kaniyang agad na ikinasawi.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...