Iginiit ni Akbayan Representative Tom Villarin na sadyang kinuha ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jing Paras ang kanyang cellphone.
Sa panayam ng Radyo Inquirer ay kinuwento ni Villarin ang mga pangyayari na anya ay nakunan ng CCTV.
Dahil dito ay nagsampa ng reklamong theft si Villarin laban kay Paras sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Sa tingin ni Villarin, may planong kalkalin si Paras sa kanyang cellphone dahil sa kasong isinampa naman ng labor official laban kay Senadora Riza Hontiveros na kasama niya sa Akbayan.
MOST READ
LATEST STORIES