Iprinisinta ni Senador Panfilo Lacson ang joint explanation ng bicam committee sa magkakataliwas na probisyon ng House Bill 6221 at Senate Bill 1738.
Si Senador Riza Hontiveros ang nag-iisang tumutol sa ratipikasyon ng bicam report.
Layon ng panukalang batas na pag-isahin at pag-ugnayin ang marami at magkakapareho ang mahigit tatlumpung government ids sa pamamagitan ng pagbuo ng isang national identification system na papangalanang Philippine Identification System o PhilSys.
Hindi tulad sa nakalipas na kulang sa security measures, ang bill ay magbibigay ng mas mabuting panlaban.
Una nang sinabi ni Lacson na ang pinakaimportateng probisyon ng bill ay ang konsepto ng authentication o ang proseso ng pagkumpirma, online o offline man, ng pagkakilanlan ng indibidwal sa registry information sa PhilSys.