Pangulong Duterte handang makipag-giyera sa China — Sec. Cayetano

Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng giyera laban sa China o anumang bansa na magsasamantala sa likas na yaman sa West Philippine Sea.

Paniniyak ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa kahandaan ng pangulo na ipagtanggol ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.

Bagaman hindi aniya alam ng pangulo ang posibleng sunod na mangyari sa naturang teritoryo ay handa nitong giyerahin ang China o anumang bansa.

Pero ang pahayag ni Cayetano ay taliwas sa sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang mapanatili ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China imbes na magkaroon ng gulo ang dalawang bansa dahil sa pag-aagawan sa West Philippine Sea.

Sa gitna ng batikos sa pangulo dahil sa umano’y pagbalewala nito sa panalo ng bansa sa International Tribunal, iginiit ng kalihim na handa si Duterte na kalabanin ang China kapag lumampas ito sa “red lines” na itinakda ng kanyang administrasyon kaugnay ng pagtugon sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Read more...