Ayon kay Paras, hindi niya ninakaw ang cellphone ni Villarin.
Hindi aniya kapani-paniwala, malisyoso, at may halong pultika ang bintang ng mambabatas.
Paliwanag ng labor official, maaaring aksidente niyang nakuha ang cellphone ni Villarin nang ilapag niya ang kanyang cellphone sa mesa noong may imbestigasyon sa kamara.
Agad umanong pumunta sa isa pang hearing si Paras at pagkatapos niyang magbigay ng testimonya ay naiwan na niya ang phone ni Villarin na nakita naman ng security at ibinalik sa staff ng kongresista.
Giit ni Paras, wala siyang intensyon na makinabang sa aksidenteng pagkakuha niya ng cellphone ni Villarin.