Binalaan ng Palasyo ng Malacañan ang mga magsasaka sa Cordillera Administrative Region (CAR) na iwasan na ang pagtatanin ng marijuana.
Sa pulong balitaan sa Bontoc, Mountain Province kahapon ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat nang itigil ang naturang aktibidad bago pa man mahuli ng mga otoridad.
May mga programa naman aniya ang Department of Agriculture (DA) na nag-aalok ng binhi at iba pang uri ng ayuda bilang alternatibo sa pagtatanim ng marijuana.
Malinaw naman aniya ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutol siya na gawing ligal ang pagtatanim ng marijuana sa bansa.
Sinabi ni Roque na ang marijuana ang isa sa mga dahilan na nagpapalala sa problema sa iligal na droga sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES