Miscellaneous fee sa mga SUCs libre na rin ayon sa Malcañan

Bukod sa libreng tuition fee, ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañan na wala na ring babayarang miscellaneous fee ang mga estudyante na papasok sa mga state universities and colleges (SUCs).

Ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque, aabot sa P40,000 kada taon ang nakalaang budget ng pamahalaan sa bawat estudyante na makapapasok sa mga SUCs.

Paalala ng palasyo sa mga magulang, huwag maniwala sa kanilang mga anak kapag nanghingi ng pera para ipangbayad sa tuition o sa miscellaneous fees.

Ito na ani Roque ang ikalawang taon na mapapakinabangan ang libreng college education ng Duterte Administration para sa mga mahihirap na Pilipinong nais makapagtapos ng pag-aaral ngunit kapos sa pangangailangan.

Sa June 4 magbubukas na ang klase sa mga pampublikong paaralan.

Read more...