Natanggap na ng Senado at Kamara ang urgent certification ng kani-kanilang bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ay matapos isertipika ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill 6475 at Senate Bill 1717 bilang urgent.
Nakasaad sa certification na pirmado ng pangulo na ito ay bilang patunay ng pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng mga tao sa Mindanao ng patas at pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon at sa pilipinas bilang kabuuan.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pipirmahan ng pangulo ang BBL oras na magkasundo ang Senado at Kamara at maisapinal ang kanilang mga bersyon ng BBL sa kanilang Bicameral Conference Committee sa congress break.
Layon ng dalawang panukalang batas na tanggalin ang kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).