VP Robredo sangayon sa pagsuspinde sa pagpapatupad ng TRAIN Law

Kaisa na si Vice President Leni Robredo sa mga nananawagang ipahinto ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sa panayam ng media sa Navotas, sinabi ni Robredo na kinakailangan munang pag-aralan muli ang batas.

Anya, noong ipinapanukala pa lamang ang TRAIN law ay mayroong pagtitiyak na hindi magiging malaki ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Gayunman ayon sa bise presidente ay nakakalula na ang inflation rate ng bansa sa ngayon.

Matatandang pumalo sa 4.5 percent ang inflation ng bansa noong nakaraang buwan na pinakamataas sa loob ng limang taon at mas mataas din ng 1.1 points sa naitala noong Enero kung kailan naipasa ang TRAIN.

Iginiit pa ni Robredo na ang pagtaas ng mga presyo ang pangunahing hinaing ng mga mamamayan sa ngayon at natatakot umano ang iba na hindi na nilang kayaning kumain ng tatlong beses sa isang araw.

Samantala, sinabi naman ng bise presidente na kailangan ding pag-aralan ang panawagang itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Anya ay dapat magkausap ang hanay ng mga manggagawa at employers para matugunan ang isyu.

Read more...