Si Manzano na tatakbong independent ay sinamahan ng tatlo niyang anak sa pangunguna ni Luis Manzano.
Ayon kay Manzano nais niyang siya ay may maiambag sa pagbaba ng buwis sa bansa, at maitaas naman ang revenue collection.
Samantala, bago pa dumating sa Comelec main office si Villanueva, maagang nagdatingan sa Intramuros Maynila ang kaniyang mga supporters.
Sinamahan si Villanueva ng kaniyang asawa, ama na si Bro. Eddie Villanueva, at ng mga PBA legends na sina Jerry Codiñera at Rodney Santos, at si Chef Boy Logro.
Sa kaniyang twitter account, pinasalamatan ni Villanueva ang mga supporters na dumating sa Comelec.
Samantala, si OFW Party List Rep. Roy Señeres ay pormal na ring naghain ng kaniyang COC para naman tumakbong pangulo ng bansa.