Muling sasabak sa senatorial elections si dating Senador Dick Gordon. Isa si Gordon sa mga naghain ng COC ngayong huling araw ng filing sa Comelec.
Ayon kay Gordon, bilang siya ang bumuo ng Automated Election Law, dismayado siyang hindi nasusunod ang ilang probisyon nito.
Nang tanungin kung bakit hindi presidente ang kaniyang tatakbuhan, sinabi ni Gordon na wala siyang sapat na pera para pondohan ang kampanya.
Tatakbo si Gordon sa ilalim ng Bagumbayan Party.
Naghain na rin ng kaniyang COC si Manila Vice Mayor Isko Moreno. Bago magtungo sa Comelec, dumaan muna sa Tondo si Moreno para kausapin ang mga constituents.
Ayon kay Moreno, tatakbo siyang senador sa ilalim ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Manila Mayor Erap Estrada.
Kinumpirma din ni Moreno na guest candidate siya ng Poe-Chiz tandem.
Samantala, kapwa naman nagpadala ng kanilang kinatawan sina dating General Jovito Palparan at dating Akbayan Party List Rep. Walden Bello para ihain ang kanilang COC sa pagka-senador.