Sa petition to deny due course na inihain ni Atty. Estrella Elamparo, hiniling nito sa Comelec na kanselahin ang COC ni poe at huwag siyang payagan na lumahok sa pampanguluhang halalan.
Sinabi ni Elamparo na ang mga tatakbong public officials sa bansa ay dapat hindi kwestyunable ang mga kwalipikasyon gaya na lamang ng citizenship at residency.
“Anyone who aspires for public office, especially the highest in the land, the office which represents the face of the nation, must be one who really regard to citizenship and residency,” nakasaad sa petisyon ni Elamparo.
Dagdag pa ni Elamparo na ang nais na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay dapat tumutugon sa mga requirements sa ilalim ng saligang batas.
Ayon kay Elamparo, ang kanyang petisyon ay personal niyang hakbang, at walang politiko ang nasa likod nito.
Dagdag ni Elamparo, bigo si Poe na ilagay sa kanyang COC ang tunay na estado ng citizenship at residency nito.
Magugunitang naunang kinuwestiyon ni Atty. Rizalito David sa Comelec at sa Senate Electoral Tribunal ang citizenship ni Poe.