WATCH: LTFRB nagulat sa P80 minimum fare ng Grab

Nabigla ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isinagawang pagdinig sa apelang P2 per minute increase ng Grab Philippines dahil sa itinakdang minimum na P80 na singil kapag 3 kilometro lamang ang layo ng itatakbo at may ipinaiiral na P125 minimum fare para naman sa Grab Premium.

Sa pagkakaalam ng LTFRB, P40 ang base fare para sa Grab car at P70 lamang para sa Grab premium.

Dahil sa hindi malinaw ang nasabing minimum fare ng Grab, si LTFRB Chair Martin Delgra na ang nagsabi sa mga kinatawan ng kumpanya na ayusin ang kanilang mga dokumento dahil magulo ang mga isinusumite nilang petisyon.

Hindi naman nagustuhan ng grupo ng mga mananakay ang kawalan umano ng transparency ng Grab sa tinatakda nitong pamasahe.

Binigyan ng 10 araw ng LTFRB ang Grab para magsumite ng mas maayos na petisyon para sa fare hike habang sa June 26 nang umaga muling didinggin ng ahensya ang kanilang apela.

Read more...