Nagparating ng pakikidalamhati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga apektado ng flash flood na sumalanta sa Maryland, USA nitong weekend.
Sa isang pahayag, sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano, ipinadadasal din nila ang kaligtasan ng lahat na dadaanan ng bagyong Alberto.
Sa ngayon aniya ay patuloy nilang sinusubaybayan ang paggalaw ng bagyo sa southeastern coast ng US.
Nakarating na rin kay Cayetano na nagdeklara ng state of emergency sa lugar dahil sa matinding pagbaha.
Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, partikular na binabantayan ng konsulada ang 25,500 na miyembro ng Filipino community na inaasahang maapektuhan ng bagyong Alberto
Sa ngayon, wala pa aniya silang natatatanggap na report ng mga Pinoy na naapektuhan ng pagbaha.