Trillanes itinanggi na minura at dinuro niya sa Senado si Labor Usec. Paras

Video screengrab

Nilinaw ni Sen. Sonny Trillanes IV na hindi niya minura, dinuro o tinakot si Labor Usec. Jacinto Paras sa session hall ng Senado.

Ayon kay Trillanes palabas siya ng session hall nang mapansin niya si Health Sec. Francisco Duque sa VIP Section.

Aniya nilapitan niya si Duque at kinamayan at iniabot naman ni Paras ang kamay nito para kumamay sa senador ngunit tinanggihan niya ito.

Sabi ni Trillanes ayaw naman niyang magpaka-plastic o maging ipokrito dahil si Paras ang nagreklamo sa kanya ng inciting to sedition sa Pasay City Prosecutors Office.

Ngunit giit ni Trillanes hindi niya minura, dinuro o pinagbantaan si Paras.

Nagkita muli ang dalawa sa elevator ngunit hindi sumabay dito si Paras.

Read more...