Wala pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs na mayroong naapektuhang Pinoy sa flashflood sa Maryland sa U.S us dulot ng bagyong Alberto.
Sa kabila nito, nagparating ng pakikidalamhati ang DFA sa mga apektado ng flashflood nitong weekend.
Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, ipinagdasal din nila ang kaligtasan ng lahat na dadaanan ng bagyong Alberto.
Sa ngayon aniya ay patuloy nilang sinusubaybayan amg paggalaw ng bagyo sa Southeastern coast ng U.S.
Nakarating na rin sa kanya na nagdeklara ng state of emergency sa lugar dahil sa matinding pagbaha.
Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, partikular na binabantayan ng DFA ang 25,500 na miyembro ng Filipino community na inaasahang maapektuhan ng bagyong Alberto.