Pinagkalooban ng 130 patrol vehicles ng Republic of Korea ang Philippine National Police.
Sa turn over ceremony na ginanap sa Camp Caringal sa Quezon City, binasbasan ang 81 units ng Starex vans at 49 units ng Hyundai Elantra na gagamitin sa anti-criminality ng pamahalaan.
Ayon kay Commissioner General Lee Chul-Sung, Hepe ng Korean National Police, ibinigay nila ang mga sasakyan bilang pagkilala sa pagkakaibigan ng Korea at ng Pilipinas.
Layun din daw nito na mas mapaigting pa ang police bilateral relations ng dalawang bansa.
Nagpasalamat naman si PNP Chief Oscar Albayalde sa mga donasyon at nangako na gagamitin ito ng PNP sa pagsugpo sa krimen.
Partikular na makikinabang sa mga bagong sasakyan ang Directorate for Investigation and Detection Management, Criminal Investigation and Detection Group, Anti-Kidnapping Group, Anti-Cybercrime Group at Natioanal Capital Region Police Office.
Ipapamahagi rin ang mga sasakyan sa mga ilang lugar na may Korean Communities kagaya ng Angeles, Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, Davao at Baguio.