Nagpaliwanag ang Malacañang sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado.
Sa pulong balitaan sa Bontoc, Mountain Province, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagbibigay ng maling legal opinion ni Jurado sa prangkisa sa Aurora Pacific Economic Zone ang naging basehan ng pangulo.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na 9 out of 10 ang kanyang grado sa pangulo sa kanyang anti-corruption at anti-drug campaign.
Hindi maikakaila ayon kay Roque na walang tigil ang pangulo sa pagsibak sa kanyang mga tauhan at hindi takot na maubusan ng trabahante sa gobyerno.
Naniniwala kasi aniya ang pangulo na kahit marami na ang nasisibak dahil sa koropsyon ay marami pa rin ang nagnanais na maglingkod sa bayan.
Ang sinibak na si Jurado ay dating abogado ng mga aktor na sina Joey marquez at Robin Padill.