Isa pang pinay, tampok sa bagong video ni FB founder Mark Zuckerberg

Internet.orgIsa na namang kuwento ng pinay ang tampok sa bagong upload na video ng Facebook founder Mark Zuckerberg.

Sa nasabing video, na bahagi ng promosyon ni Zuckerberg sa Internet.org ng facebook na layong magbigay ng libreng internet service sa mga mamamayan sa buong mundo.
Sa video, ipinakita ang pinay na si Marissa na nagtatrabaho sa isang pabrika na pagawaan ng manika. Gamit ang internet.org, ipinakitang nakapagbebenta si Marissa ng mga manika.

Binanggit din doon ang pangarap ng nasabing Pinay na balang araw ay makapagtayo siya ng sarili niyang negosyo.

Ang nasabing video ay pinost ni Zuckerberg umaga ng October 16. Sa kaniyang FB post, sinabi ni Zuckerberg na ang storya ay kaugnay sa kwento ng buhay ni Marissa na nagtatrabaho ng mahabang oras sa pabrika.

Gumamit aniya si Marissa ng internet.org para matupad ang kaniyang mga pangarap. “This is a great story about Marissa — a young woman working long hours in a factory, yet she uses Internet.org to fulfill her dreams of opening a business of her own. Being connected means having opportunity. We’re connecting the world so one day everyone can fulfill their dreams — just like Marissa,” ayon sa FB post ni Zuckerberg

Unang ibinahagi ni Zuckerberg ang video ng isa estudyanteng pinay na ipinakita gumagamit ng internet.org para sa kaniyang thesis at para makagraduate ng kolehiyo.

Read more...