Sa kanyang irrevocable resignation na isinumite kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, idinahilan ni Barbo na ang kanyang pagbibitiw ay para bigyang laya ang bagong pinuno ng senado na pumili ng kanyang kalihim batay sa kanyang tiwala at kumpiyansa.
Nagpasalamat naman si Barbo sa pribilehiyo na ibinigay sa kanya na maitalaga bilang senate secretary ng dalawang senate president na ang una ay sa panahon ni dating Senate President Nene Pimentel noong 2000 at sa panahon ni dating Senate President Koko Pimentel noong 2016.
Kinumpirma naman na ni Sotto ang pagbibitiw ni Barbo kasabay ng pahayag na ipapalit niya bilang senate secretary si Atty. Myra Villarica.
Si Villarica ay chief of staff ng senate electoral tribunal.