Sa kaniyan statement na ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ni Jurado na tinatanggap niya at inirerespeto niya ang naging pasya ng pangulo.
Bilang isang presidential appointee sinabi ni Jurado na karangalan para sa kaniya ang mabigyang pagkakataon na magsilbi sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Hindi naman na nagbigay ng pahayag o reaksyon si Jurado hinggil sa sinabing dahilan ng pangulo sa kaniyang pagsibak.
Sa naging talumpati ng pangulo na pinayagan ni Jurado na mag-isyu ng prankisa ang Aurora Pacific Economic Zone (APECO) sa mga lugar na hindi sakop ng lalawigan ng Aurora.