BBL maaring hindi na sertipikahang urgent bill ni Pangulong Duterte

Aminado ang Malakanyang na maaring hindi na sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent bill ang Bangsamoro Basic Law.

Sa pulong balitaan sa Bontoc, Mountain Province, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na base sa mediation meeting ng pangulo sa mga senador at kongresista, Lunes ng gabo, maraming probisyon sa BBL ang hindi magkatugma.

Gayunman, agad na pinakalma ni Roque ang publiko at iginiit na gagawin ng mga mambabatas ang lahat ng pamamaraan para maipasa ang BBL sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Roque na ang mahalaga ay magkaroon ng ugnayan ang dalawang kapulungan para ma-reconcile ang pagkakaiba sa kanilang bersyon.

Bukod sa mga senador at kongresista nakasama rin sa pagpupulong ang liderato ng Bangsamoro Transition Council.

Ani Roque, ang nais ng lahat ay maipasa ang BBL bago ang recess ng kongreso sa June 2, pero kung imposible ay tiyak naman aniyang gagawin ang lahat upang maisabatas ito sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...