Kumpirmasyon ni DOT Sec. Puyat inaprubahan ng committee level ng CA

Kuha ni Jan Escosio

Inaprubahan na sa committee level ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni Department of Tourisim (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Hindi naging mahirap ang pagharap ni Puyat sa CA at agad ding nakumpirma sa loob lang ng ilang minuto na kaniyang pagsalang.

Naganap ang pagharap ni Puyat sa CA tatlong linggo matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pwesto kapalit ng nagbitiw na si Wanda Tulfo-Teo.

Samantala, inaprubahan din ng CA ang kumpirmasyon ni Commission on Elections Commissioner Socorro Balinghasay-Inting.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...