Golden State Warriors pasok na sa NBA finals makaraang talunin ang Houston Rockets sa score na 101-92

NBA TV

Pasok na finals ng NBA ang Golden State Warriors matapos talunin sa isang do-or-die match ang Houston Rockets.

Sa katatapos na laban tinalo ng Warriors ang Rockets sa iskor na 101-92.

Dahil dito, ang Warriors na ang makakaharap ng Cleveland Cavaliers sa NBA finals.

Sa 1st quarter ng laban lumamang pa ng limang puntos ang Rockets at anim na puntos naman sa 2nd quarter.

Pero nagawang maka-arangkada ng Warriors sa pamamagitan ni Steph Curry at mahigit tatlong minuto bago matapos ang 3rd quarter ay nakalamang sa puntos ng koponan.

Kumamada ng 33 puntos sa 3rd quarter ang Warriors habang 15 points lang ang Rockets.

Naging dikit ang laban sa 4th quarter pero bigo na ang Rockets na makabawi.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 34 points para sa Warriors, habang 27 points naman si Curry at 19 points si Klay Thompson.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

.

Read more...