Mall sa Plaza Miranda sa Quiapo nasunog

Photo from Fire Alert MM

Tinupok ng apoy ang bahagi ng isang mall sa Plaza Miranda, Quiapo Maynila.

Pasado alas 10:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa Manila City Plaza mall.

Makalipas naman ang ilang minute, agad ding naapula ang sunog at hindi na kumalat pa.

Umabot lang sa 1st alarm ang sunog at ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection agad na nakalikas ang mga taong nasa loob ng gusali.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...