BTS naging kauna-unahang K-pop band na nag-top sa Billboard album charts

(Getty Images)

Nanguna sa Billboard album chart ang album ng South Korean boy band na BTS.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang K-pop band na nag-top sa Billboard.

Nag-number 1 sa Billboard top 200 ang album ng K-pop na “Love Yourself: Tear” makaraang bumenta ng 135,000 units.

Ayon sa Billboard, ngayon lang ulit nagkaroon ng foreign language album na nag-top sa charts simula noong 2006 kung kailan nag-top ang “Ancora” ng grupong II (two) Divo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...