Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay nang pagtitiyak na patuloy na nagsusumikap ang DND para ipagtanggol ang mga Pilipino sa panalabas at loob na panganib sa kapayapaan at segurirad ng Pilipinas.
Pahayag pa nya, bagaman ibang hamon na ang kinakaharap sa kasalukuyan kagaya ng terorismo, malawakang pabagobagong panahon, pagkasira ng kalikasan, kahirapan, korapsyon, paglaganap ng transnational crime at agawan sa teritoryo, ay nakaalerto pa rin ang kanilang hanay at handang tumugon sa mga hamon na ito.
Kasunod nito, nangako ang kalihim na makakasa ang publiko na kung may nais mang sumira sa demokrasya ng bansa ay hindi nila ito pahihintulutan.
Matatandaang isa sa mga ang isyu na kinakaharap ngayon ng bansa ay ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea kung saan patuloy na nagpapalakas ng pwersa ang China sa pagtatatag mga artificial islands na may mga bomber plane.