WATCH: Graft and corruption sa Pilipinas mistulang chewing gum ayon sa pangulo

Inihanlintulad ni Pangulong Rodrigo Duterte na mistulang chewing gum na lamang ang problema sa graft and corruption sa bansa.

Ayon sa pangulo, sa kabila kasi ng mga babala at pagsibak sa ilang tiwaling opisyal, marami pa rin sa taong gobyerno ang napapasok sa katiwalian.

Mistula na lamang aniya itong ordinardyong chewing gum na kinakain sa araw-araw at kapag nawalan ng lasa ay saka na lamang idinudura.

Bukod dito sinabi ng pangulo na marami pa ring mga taong gobyerno ang tamad magtrabaho at pinapabalik-balik pa ang publiko na mayroong transakayon sa gobyerno.

Hindi mabatid ng pangulo kung ilang henerasyon pa ang aabutin bago tuluyang mawalis ang korupsyon at katamaran sa gobyerno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...