Sinabi ng pangulo na isara ang airing ng speech sa government owned TV station na PTV 4 para banatan ang “Babae ako Campaign” na inilunsad ng ilang grupo ng mga babae.
Apela ng pangulo sa publiko huwag maniwala sa kanyang mga kalaban lalo na ang grupo ng mga babae na nasa likod ng nasabing grupo.
Matatandaang nabuo ang “Ang Babae Ako Campaign” matapos ihayag ng pangulo na hindi siya pabor na babae ang susunod na chief justice kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Paliwanag ng pangulo hindi kasi kaya ng mga babae na i-handle ang mga pagbabanta at intimation.
WATCH: President Duterte on #BabaeAko: Hindi ako nagbabastos ha. Huwag kayong maniwala diyan sa mga ‘yang babae-babae na kalaban ko. Sirahan mo ‘yang, ‘yang television mo. Para atakehin natin itong mga babae @dzIQ990 @inquirerdotnet pic.twitter.com/BlYvvKLZGR
— chonayuINQ (@chonayu1) May 28, 2018