Nasawi sa crackdown sa illegal na droga sa Bangladesh umabot na sa 86

Umabot na sa 86 na katao ang nasawi habang nasa 7,000 ang nadakip simula nang maglunsad ng crackdown ang Bangladesh laban sa drug trafficking.

Ngayon buwan lang inilunsad ang crackdown sa nasabing bansa kaya nagpahayag ng pangamba ang mga human rights groups sa dami nan ang nasasawi.

Sa pagsisimula ng buwan ng Mayo, inaprubahan ni Prime Minister Sheikh Hasina ang anti-narcotics campaign sa bansa para solusyunan ang paglaganap doon ng ilegal na droga na “ya ba”.

Galing umano sa Miyanmar ang ilegal na droga at ipinapasok sa Bangladesh.

Noong Linggo lamang, anim na katao ang nadakip kabilang ang isang 12 anyos na batang lalaki na mula sa Rohingya Muslim Community sa Myanmar.

Bitbit ng nasabing bata ang 3,350 na ya ba tablets nang sya ay maaresto.

Ayon sa pulisya sa Bangladesh ang 86 na nasawi ay pawang nanlaban sa mga isinasagawang operasyon ng mga otoridad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...