19 anyos na lalaki timbog sa sextortion sa Mandaue City

Inaresto ang isang 19 anyos na lalaki sa Mandaue City matapos umanong pagbantaan ang isang babae na ipakakalat ang maseselang larawan nito.

Nadakip ang suspek makaraang magkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) base sa sumbong ng biktima.

Ayon sa biktima, tinakot siya ng suspek na ilalabas ang mga pribado niyang larawan kung hindi siya makikipagtalik sa binatilyo.

Makaraang madakip ay hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspek hinggil sa reklamo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng NBI sa modus operandi ng suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...