Sanggol na inabandona sa sementeryo sa Quezon, nasa ligtas nang kondisyon

Photo from Roy Dudas

Nailigtas ang isang sanggol na natagpuang iniwan sa loob ng sementeryo sa Barangay Masin Sur, Candelaria, Quezon

Mga batang naglalaro sa lugar ang nakakita sa sanggol na nasa pagitan ng dalawang nitso sa Candelaria Public Cemetery.

Nakabalot pa ng lampin ang sanggol na sa pagtaya ng mga otoridad ay nasa pagitan ng 2 hanggang 3 buwan.

Agad namang dinala ang sanggol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at agad sinuri ang kaniyang kondisyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang nag-iwan sa nasabing sanggol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...