Maraming lalawigan sa Mindanao maagang inulan dahil sa ITCZ

Maagang nakaranas ng malakas na buhos ng ulan na mayroong pagkulog at pakidlat ang maraming lalawigan sa Mindanao.

Apektado kasi ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang buong Mindanao Region.

Sa abiso ng PAGASA, bago mag-alas 5:00 ng umaga, inuulan ang mga bahagi ng Siargao Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Davao del Norte, Davao City, Compostela Valley, Davao Oriental, Misamis Oriental, Sarangani, at Davao Occidental.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lalawigan na ang naranasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flashfloods o landslides.

Maliban sa ITCZ, sinabi ng PAGASA na apektado naman ng easterlies ang nalalabi pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...