Dalawang lalaki kabilang ang menor de edad, arestado sa buy-bust operation sa Marikina

Marikina City Police Photo

Arestado ang dalawang lalaki kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang buy-bust operation sa Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Calel Sarip, 22 anyos at isang menor de edad na residente ng Barangay Tumana sa nasabing lungsod.

Isinagawa ng mga tauhan ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit ang buy bust operation sa Home Owners Drive Extension kanto ng Jogging Lane, Libis, Brgy. Sto Nino,

Nakuha mula sa mga suspek ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 buy bust money at isang wallet.

Dinala sa Eastern Police District Crime Laboratory ang dalawa para sumailalim sa drug test.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Sec. 11 at Sec. 5 ng Republic Act 9165.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...