Warriors at Rockets magtutuos sa do-or-die game sa NBA western conference finals

Maghaharap ngayong araw para sa isang do or die game sa western conference finals ng NBA ang Houston Rockets at Golden State Warriors.

Ito ay makaraang maging tabla sa 3-3 ang best of seven series nang magwagi ang Rockets kontra Warriors sa game 6.

Alas 9:00 ng umaga oras sa Pilipinas ang pagtutuos ng dalawang koponan.

Ang mananalong koponan sa game 7 ang siyang papasok sa NBA finals at makakaharap ang Cleveland Cavaliers na nagwagi kahapon laban sa Boston Celtics.

Samantala, hindi pa rin makapaglalaro ngayong araw para sa Warriors si Andre Iguodala.

Hindi nakalaro si Iguodala sa tatlong nagdaang game sa western conference finals dahil sa injury sa kaniyang kaliwang binti na nakuha niya noong game 3.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...