Pangulong Duterte, sinertipikahang ‘urgent’ ang BBL ayon kay Fariñas

Courtesy of Sec. Roque

Sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang BBL ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Aniya walang sinabi o ipinag-utos ang pangulo sa Kongreso.

Ang pagsesertipika ng naturang panukala ay para maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng Kamara at Senado ang kani-kanilang panukalang BBL bago ang adjournment.

Dagdag pa ni Fariñas na magkakaroon ng Bicameral Conference Committee habang naka-break ang Kongreso para resolbahin ang mga probisyon katulong ang Bangsamoro Transition Commission at ang Ehekutibo.

Ang report ng naturang komite ay isusumite para sa ratipikasyon ng Kongreso sa kani-kanilang plenary sessions sa July 23, 2018 at ayon kay Fariñas ay pipirmahan ni Pangulong Duterte ang BBL kasunod ng State of the Nation Address (SONA) nito.

Kasama ni Fariñas na nakipagpulong kay Pangulong Duterte sina Speaker Pantaleon Alvarez, Senate President Vicente Sotto III at iba pang congressional leaders para pag-usapan ang BBL

Read more...