Tapatang Akbar at Salapuddin sa Basilan sa halalan sa 2016

Salapuddin AkbarTatlong Akbar ang tatakbo sa lokal na halalan sa Basilan.

Tatakbo bilang kinatawan ng lone district ng Basilan ang incumbent Governor na si Jum Akbar, ang unang asawa ng pinatay na dating kongresista ng lalawigan na si Wahab Akbar. Makakalaban ni Jum Akbar si dating House Deputy Speaker Gerry Salapuddin.

Sa Basilan hayag ang pagiging magkalaban sa pulitika ang angkan ng Akbar at si Salapuddin.

Matatandaang si Salapuddin ang itinurong nasa likod ng asasinasyon kay Wahab noong ika-13 ng Nobyembre ng 2007 ngunit pinawalang sala din ng korte.

Ang isa pang asawa ni Wahab na si Isabela Mayor Cherrylyn Akbar ay tatakbo naman bilang vice mayor habang ang anak naman ni Wahab na si Ochoy ay tatakbo bilang alkalde ng Isabela.

Naging konsehal ang batang Akbar bago sa pagsabak nito ngayon sa posisyon ng pagiging alkalde.

Ang lalawigan ng Basilan ay palagiang nailalagay sa listahan ng election hotspots ng Commission on Elections.

Read more...