Levi Baligod, Toots Ople, Rey Langit, at Jericho Petilla naghain ng COC

Senatoriables
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Sa ika-apat at huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy patuloy ang pagdating sa Commission on Elections (Comelec) ng mga personalidad na tatakbo sa 2016 elections.

Ngayong umaga, kabilang sa mga naghain ng COC sa pagka-senador si OFW advocate Susan ‘Toots’ Ople. Ayon kay Ople, siya ‘ang kaisa-sang senatorial bet ng Nationalista Party (NP).

Kasama umano niya sa kampanya ang milyon-milyong OFWs.

Tatakbo namang independent candidate ang abugado ng mga whistleblowers sa PDAF scam na si Atty. Levi Baligod.

Ayon kay Baligod, bagaman independent candidate siya, nakikipag-usap na siya sa iba pang senatoriables na sina Panfilo Lacson at Walden Bello para bumuo sila ng grupo.

Ang broadcaster na si Rey Langit ay naghain na din ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng ng United Nationalist Alliance (UNA).

Isa pa sa mga naghain ng COC sa pagka-senador ngayong umaga ay si dating energy Sec. Jericho Petilla. Si Petilla ay kasama sa line-up ng Liberal Party.

Tatlong top agenda ni Petilla ang kalusugan, edukasyon at mga usapin sa enerhiya.

Read more...