Ang mosyon ay humihiling sa korte na pahintulutang makalabas ng kanyang detention cell si De Lima upang dumalo sa graduation rites ng anak nitong si Vincent Joshua De Lima Bohol sa San Beda College-Alabang – School of Law sa June 3.
Sa inilabas na resolusyon ni Presiding Judge Amelia A. Fabros-Corpuz, anim na basehan ang tinukoy ng korte kaya’t hindi kinatigan ang mosyon ng depensa.
Ilan sa mga ito ang isyu ng flight risk at ang posibleng pagdulot ng kaguluhan sa taimtim na seremonya dahil isang public figure ang senadora.
Si Sen. De Lima ay naka-detain ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame habang nililitis ng korte ang kanyang mga kaso na may kinalaman umano sa ‘drug trade’ sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng DOJ.