Ito ay kaugnay sa pagkakakuha ng P150 milyong halaga ng kontrata sa ilang ahensiya ng gobyerno ng security agency na pag-aari ni Calida.
Sinabi ni Hontiveros dapat patunayan ni Pangulong Duterte na talagang galit siya sa mga tiwali sa gobyerno.
Pinuna din ng senadora ang mistulang pag-aabogado ni Calida kay Janet Lim Napoles at sa mga Marcoses.
Aniya dapat matigil na ang pagkakaroon ng pribadong kabuhayan ni Calida sa gobyerno.
Samantala, tumanggi naman magbigay ng pahayag si Calida ukol sa panawagan sa kanya na boluntaryong magbitiw dahil sa conflict of interest.
Nagtungo si Calida sa Senado partikular na sa mga tanggapan nina Senate President Tito Sotto at Sen. Ping Lacson.