Disenyo ng bagong Senado, napili na

Inanunsiyo ni Senator Ping Lacson na ang disenyo na napili para sa itatayong bagong Senate building sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ayon kay Lacson mula sa 40 local at foreign architectural firms na nagsumite ng kanilang expression of interest para sa Global Conceptual Design Competition para sa Bagong Senado, lima dito ang naging finalists.

Bukod sa AECOM, nagprisinta din ng kanilang disensyo ang Leeser Architecture, Aldea Inc., Henning Larsen Architects at Pelli Clarke.

Sinabi ni Lacson na siyang namumuno sa Committee on Accounts, 0.36 percent lang ang inilamang ng AECOM sa second choice.

Noong Nobyembre nagdesisyon ang Senado na lumipat na sa isang permanente at sariling gusali.

Ang lote na pagtatayuan ng bagong gusali ay nagkakahalaga na ng P1.8 bilyon ayon sa Bases Conversion and Development Authority.

Read more...