Kiefer Ravena, nilinaw na hindi siya gumagamit ng ilegal na droga

Nilinaw ni Kiefer Ravena na ang 18 buwan na suspensiyon niya mula sa Fiba ay hindi dahil siya ay gumagamit ng ilegal na droga kung hindi dahil sa ban na mga substances.

Ayon kay Ravena, ayaw niyang isipin ng tao na siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Humingi ng paumanhin si Ravena at inako ang responsibilidad sa kanyang mga aksyon.

Nagpositobo si Ravena sa tatlong ingredients na Dimethylbutylamine, Methylexaneamine at Higenamine.

Ang naturang tatlo substance ay bahagi ng mga prohibited substances list ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Inanunsyo din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa press conference na isinigawa nito na bumagsak si Ravena sa random drug test na isinagawa na home game ng Gilas Pilipinas laban sa Japan noong Februray 25.

Read more...