Pagbobotohan ng mga mambabatas ng Portugal ang panukalang pagsasalegal ng euthanasia and doctor-assisted suicide.
Ang euthanasia ay ang pagkitil ng doktor sa buhay ng pasyente na gusto ng tapusin ang kanilang buhay habang ang assisted suicide naman ay ang personal na pangangasiwa ng pasyente ng lethal drug sa sarili nito sa ilalim ng medical supervision.
Hindi pa masabi ngayon kung ano ang magiging resulta ng botohan pero inaasahan na magiging malapit ang botohan ng pabor at hindi pabor.
Kapag naisabatas ay hahanay ang Portugal sa iilang bansa sa mundo na legal ang euthanasia sa ilalim ng mga tiyak na sitwasyon.
Legal ang euthanasia sa Belgium, Canada, Colombia, Luxembourg at sa Netherlands habang legal naman sa Switzerland at ilang ang US states ang assisted suicide.
Una rito ay una ng naisabatas ang abortion at same-sex marriage na kung saan nagbangga din ang relihiyon at pulitika sa naturang predominantly Catholic country.