Ito ang tiniyak ni Sen. Loren Legarda matapos ang pagdinig ukol sa mga panukala na paglalaan ng pondo bilang bahagi ng medical assistance program para sa Dengvaxia vacinees.
Sinabi pa ng senadora na ang pondo ay gagamitin para sa mga magiging pangangailangang medikal ng higit 800,000 na naturukan ng Dengvaxia.
Dagdag pa ni Legarda, kailangan linawin kung magkakaroon lang ng takdang panahon sa paggamit ng naturang pondo o hanggang sa maubos ito.
Pagtitiyak pa nito na tututukan niya ang paggasta ng pondo para hindi na muling mabiktima ang mga nabukanahan.
Samantala, umapela naman ang grupo ng mga magulang ng mga nabakunahan ng Dengvaxia na ayusin na ng Department of Health ang listahan ng mga nabigyan ng nasabing anti-dengue vaccines.