Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, matapos ang kanilang all-member caucus kanina, napagkasunduan na kunsultahin ang pangulo sa pinal na latag ng BBL.
Idudulog anila sa pangulo ang mga kumplikadong probisyon ng panukala.
Kabilang ang usapin ng fiscal autonomy na ayon sa ilang mga mababatas ay mangangailangan ng isang batas para ibigay sa Bangsamoro.
Kasama rin ang isyu ng opt-in provision kung saan itinatakda na maaring sumama sa sakop ng itatayong Bangsamoro entity ang isang lalawigan kung makakuha ng sampung porsyento ng rehistradong botante ang papabor dito sa gagawing plebesito.
Base sa inaprubahang BBL sa joint committee Kamara magkakaroon ang bubuuing Bangsamoro Region ng sariling pulis at sundalo pero mananatili pa rin ito sa ilalaim ng PNP at AFP.
Kapag anya naplantsa na ang gusot sa bersyon na inaprubahan ng komite sa Kamara at sinertipikahang urgent ang BBL ay kanila itong pagtitibayin sa ikalawa at ikatlong pagbasa bukas.