Nagsumite sa Korte Suprema si dating Sen. Bong Bong Marcos ng kaniyang komento bilang tugon sa hirit ng kampo ni VP Leni Robredo na ikonsidera ang 25% na shading bilang treshold sa mga bibilanging boto sa 2016 Vice presidential race.
Personal na isinumite ni Marcos sa PET ang kanyang 11-pahinang comment at opposition sa mosyon ng bise presidente.
Nais ni Marcos na tuluyan nang ibasura ng PET ang motion for reconsideration ni Robredo at panindigan nito ang naunang resolusyon noong April 10, 2018.
Sa nasabing resolousyon, sinabi ng PET na walang basehan ang iginigiit ng kampo ni Robero na 25% ang threshold sa pagdetermina kung balido ang isang boto.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, isa sa mga abogado at tagapagsalita ni Marcos, umaasa silang maisasama na sa agenda ng SC sa lalong madaling panahon ang petisyon ni Robredo.