Base sa House Bill 7787 na inihain ng Makabayan bloc, nais ng mga ito na gawing pare-pareho ang kada araw na sahod ng mga minimum wage earner sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Sinabi ng Makabayan bloc na hindi na uubra ang pagkaka iba ng arawang sahod sa iba’t-ibang lugar dahil sa pare-pareho na naman ang taas sa presyo ng serbisyo at mga bilihin.
Bukod dito, nais din ng grupo na buwagin na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na siyang nagtatakda ng taas sahod sa iba’t-ibang rehiyon.
Sa Metro Manila, P512 ang minimum wage kada araw na ayon sa Makabayan ay hindi sapat lalo na ngayong ramdam na ramdam ang epekto ng TRAIN Law.
Kaugnay nito, nanawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang kongreso na bigyang prayoridad ang panukala.