Top 20 na mga kumpanyang hinihinalang sangkot sa labor-only contracting inilantad ng DOLE

Inquirer Photo | Jovic Yee

Tinukoy na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang top 20 na mga kumpanya sa bansa na hinihinalang sangkot sa “labor-only contacting”.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, mula noong June 2016, umaabot na sa 99,526 mula sa nasa mahigit 900,000 na mga negosyo o kumpanya sa bansa ang na-inspeksyon ng DOLE.

Sa nasabing bilang ng mga nabisita at na-inspeksyon ng DOLE, 3,377 ang hinihinalang sangkot sa labor-only contracting bilang pamamaraan ng pag-hire ng kanilang mga empleyado.

Kasama sa top 20 ng mga kumpanyang hinihinalang sangkot sa labor-only contracting ang malalaking kumpanya na Jollibee Food Corporation at PLDT.

Nangunguna sa listahan ang Jollibe kung saan aabot sa 14,960 na mga manggagawa ang apektado. Pumapangalawa naman sa listahan ang Dole Philippines na mayroong affected workers na 10,521 at ikatlo ang PLDT na nasa 8,310 naman ang apektadong empleyado.

Ang iba pang kumpanya na nasa top 20 ay ang mga sumusunod:

Ayon kay Bello, hindi kasama sa listahan ang SM dahil nagpatupad na ito ng voluntary regularization program kung saan aabot sa 10,000 empleyado nito ang mareregular na ngayong taon.

As of May 11, 2018, sinabi ni Bello na aabot na sa 176,286 na mga manggagawa ang naregular sa trabaho dahil sa pinaigting na kampanya sa labor enforcement system ng DOLE.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...