WATCH: Mahigit P1M halaga ng high grade marijuana nakumpiska ng PDEA sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa

Kuha ni Jong Manlapaz

Sa unang pagkakataon nakakumpiska ang PDEA ng mga imported o hybrid na variety ng marijuana sa isang drug operation sa Alabang Hills Village na isang exclusive subdivision sa Brgy. Cupang, Muntinlupa.

Ipinresenta ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang mahigit P1 milyon halaga ng “Kush” at “Hashish” na pawang imported na uri ng marijuana na nasamsam sa mga suspek na sina Rajiv Gidwani isang Indian National at Jeremiah Alero Carillo.

Ang kush ay nagkakahalaga ng P20,500 pesos kada 20 gramo, samantala ang hashish ay nagkakahalaga naman ng P600,000 kada 25grams.

Nasabat din sa mga suspek ang liquid ecstasy.

Ani Aquino, pawang celebrities, politician at kilalang tao ang kliyente ng mga suspek, may namataan pa sila umanong politiko ang nagpunta sa lugar habang nagsasagawa sila ng surveillance.

Kinumpirma din ni Aquino na ang mga nakumpiskang hybrid na marijuana ay sa Kalinga, Apayao itinatanim.

Inaresto din ng PDEA si Nari Kishinchand na am ani Ginwani dahil tinangka nitong suhulan ng P1 milyon ang mga otoridad kapalit ng paglaya ng anak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...